Ang Mangguguhit

By Anna09 on 5th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ako'y namamangha, talaga namang natutulala,

Sa pagmasid ko sa iyong mga obra,

Akoy nabibighani parang nakapaloob sa isang mahika,

Talaga namang mga guhit mo ay espesyal at kahanga-hanga.

 

Isang talentong kailanman ay hindi ko magagawa,

Sapagkat mga kamay ko ata ay parehong kaliwa,

Ang napakagandang tasa ay nagiging arenola,

At ang kutsara ko naman, kulang na lang maging sandok na.

 

Ang mangguguhit ay talaga namang nakakabilib,

Sa isang tulad kong mahina ang dibdib,

Ang mga kagaya nilang mabilis gumuhit,

Ay talaga namang  biyaya sa mga kagaya nating sa isip lang umuukit.

 

Ingatan natin ang kanilang mga gawa,

Alagaan at paabutin hanggang sa mga susunod na henerasyon pa,

Yan ay yaman ng ating bansa,

Maipagmamalaki natin sa tuwi- tuwina.

Other Poems by Anna09