Bilog na Buwan

By Anna09 on 4th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Tahimik na ang gabi,

Oras ng magpahinga at kalimutan muna ang pighati,

Dala ng isang maghapong pakikibaka, halos maubos na ang iyong ngiti,

Pero patuloy pa din at bukas ay makakabawi.

 

Malamig na simoy ng hangin,

Ang dumadantay sa'yong pisngi, na para kang nananalamin,

Na sana'y natupad mo ang kagustuhan nya't tagubilin.

 

Sa kasarapan ng tulog mo, bigla kang naalimpungatan,

Ang bilog na buwan ay iyong nasilayan,

Mula sa bintana, ika'y nasulyapan,

Nang dala niyang kislap, ika'y naliwanagan.

 

At ika'y napaisip sa yong muling pagpikit,

Na ang bawat pasakit, kaya mong iwaglit,

Sapagkat kagaya ng bilog na buwan, ito'y pasilip silip lang,

Dahil bukas may o

Panibagong araw na sisikat naman.

Other Poems by Anna09