HAIKU

By Anna09 on 3rd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang paggawa ng "haiku" ay talaga namang mahirap,

Para sa aking baguhan sa larangan ng mga pangungusap,

Ito ay literaturang hapon na kanilang pinasikat,

Atin namang inaral at biglaang pinakalat.

 

Ang "haiku" ay tatlong linyahan lang,

May salitang lima,pito,lima na binibilang,

Bawat kataga ay tumatagos sa mga nilalang,

Na nakakabasa nito at talaga namang nakakawindang.

 

Nang ako ay nakagawa ng "haiku" sa unang pagkakataon,

Ako'y tuwang tuwa at patalon talon,

Para bang ako ay bumalik sa unang panahon,

Kung kailan naranasan kong manalo sa kompetisyon.

 

Ang "haiku" ay bagong kaalaman,

Itinuro sa atin ng ating inang "Ody" ang pangalan,

Talaga namang siya ay madaming nalalaman,

Na handa niyang ipamahagi sa atin at gawin nating kayamanan.

Other Poems by Anna09