Ang Tao at ang Hangin

By Anna09 on 3rd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ang hangin ay biglang lumamig na naman,

Nagpapa alalang ang tao'y may pakiramdam,

Gaya ng hanging pabago bago ng ihip,

Ang tao'y sinadya ding pabago bago ng isip.

 

Sa mga lumipas na taon,

Kahit ano pang pagkakataon,

Kung may bugso ng init,

May sulyap din ng lamig,

Kung may galit, may paglimot,

Kung may pagyakap, may pagpawi,

Paano mapapawi kung ang puso'y may hapdi?.

 

Ang hangin ay malamig gaya ng pusong nangungulila sa'yo,

Kahit ilang "jacket", ang isuot hindi maiibsan ang paghina nito,

Dahil ang pusong nasaktan hahanapin pa din ang lunas sa taong kanyang kailangan.

 

Yan ang tao at yan ang hangin,

Magkaibang layunin pero parehas na lumalamig din,

Hayaan mong muling painitin ng panahon at oras,

Na siyang magpapasiya ng wakas.

Other Poems by Anna09