SIGARILYO

By Anna09 on 3rd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sigarilyong hindi nauubos,

Pero ang katawan mo'y unti-unting nauupos,

Parang kandilang nasindihan,

Unti-unting natutunawan.

 

Ang sigarilyo'y banta sa iyong kalusugan,

Ngunit bakit iyong kinagigiliwan,

Para bang isang kaibigan,

Na palagi lang andiyan.

 

Hithit ka ng hithit,

Pero hindi mo magawa kahit ang mag-ahit,

Tumanda ka ng higit,

Lupaypay pa ang katawan sa sakit.

 

Sigarilyo'y iyong iwan,

At tuluyang kalimutan,

Para ang katawa'y gumaan,

Maginhawa palagi ang kalusugan.

Other Poems by Anna09