IKAW

By Anna09 on 2nd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ikaw naman talaga ang aking lakas,

Sa puso ko ito ay wagas,

Ikaw ang aking saya,

Nadarama ko ito sa tuwi-tuwina.

 

Ikaw naman talaga ang aking ligaya,

Sa isip ko ito ay matalinhaga,

Nagbibigay ito ng pag-asa,

Sa tulad kong pina-asa.

 

Ikaw naman talaga ang aking sandalan,

Ang kailangan ng pusong sugatan,

Hinilom ng panahon at ngayon handang magmahal muli,

Ng dahil sa iyo ako ay iibig na muli.

 

Ikaw naman talaga ang aking mahal,

Bukod tanging iingatan at aalagaan,

Pag-uukulan ng mga nalalabing oras,

Para makasama ka hanggang sa wakas.

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09