UNAN

By Anna09 on 2nd Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Gamitin mo ako sa iyong pagtulog,

Para guminhawa ang ulo mong pagod,

Para maibsan ang sakit ng sintido mo,

Na maghapong nag-isip sa duyan ng mundo.

 

Yakapin mo ako ay pwede din,

Para maging mahimbing ang hiling,

O kayay idantay sa katawang lupaypay,

Pagod sa maghapong pamumuhay.

 

Pero pinakamasarap sa lahat,

Bago ka matulog,

Manalangin ng taimtim, bago mo ako yakapin,

Para makasama mo ako hanggang sa iyong paggising.

Ng may ngiti sa labi at iiwan ng pag-asang magkikita muli mamayang gabi.

Other Poems by Anna09