Pagbabago ng Panahon

By Anna09 on 1st Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Noong mga panahong uso pa ang sulat,

Ako'y kinikilig habang binubuklat

Bawat letrang ipininta ay nakatatak

Sa puso kong galak na galak.

 

Noong mga panahong uso pa ang beeper,

Ako'y kinakabahan hanggang I feel better

Bawat mensahe mo kahit na maikli

Ako namay kinikilig at muntik ng maihi.

 

Noong mga panahong uso pa ang telegrama,

Ako'y excited makatanggap bumabangon agad sa kama,

Kapag ang mensahero ay sumigaw na

Alam kong laman nito'y pagmamahal mo sinta.

 

At ngayon nauso na ang cellphone,

Bawat tunog nito'y ibat ibang ringtone,

Pero para sayo ito'y inayos ko

Lahat ng tunog ay puro I love you

Para pagtawag mo,puso ko’y masayang totoo.

Other Poems by Anna09