Image

" Wrong Love"

 

Paano nga ba ipaglalaban ang isang pag-ibig na sa simula pa lang ay alam mo na kung sino ang talo?

 

Paano nga ba maipagpapatuloy ang isang relasyon kung alam mo na may mga taong masasaktan, may mga taong masasagasaan?

 

In life, there is really no kind of wrong love.

 

Nagiging mali lang ito depende sa pagkakataon, sitwasyon at taong mamahalin nito.

 

Minsan sadyang mapagbiro ang tadhana,

 

Di natin maaaring planuhin kung kailan tayo magmamahal, hindi natin maaaring piliin kung sino ang ating iibigin.

 

Kung sino pa ang hindi dapat mahalin, siya pa ang pilit itinitibok ng puso.

 

Ano mang gawing pag iwas, lalo lang umuusbong ang pagnanais ng damdamin.

 

Tunay na mahirap ang umibig sa maling pagkakataon, magmahal sa taong pag-aari na ng iba.

 

It's really hard to take a chance into a relationship if we have nothing to hold on to.

 

Sasaya tayo pero panandalian lang

 

Bawat sandaling magkasama ay hiram lamang.

 

Laging nadarama ang takot, pangamba at pag aalinlangan.

 

Minsan maitanong sa sarili “Ano ang karapatan ko sayo?”

 

Saan nga ba ako nakalugar sa puso mo?

 

Hindi ko alam kung sapat ba ang pagmamahal natin sa isa’t isa, kung hanggang kailan mo ako kayang mahalin.

 

Oo nga at masaya ako sa piling mo, pero minsan ang kaligayahan ay hindi usapang pang puso lang.

 

Ang pagkakaroon ng panatag na kalooban at isipan, kasama ang tunay na ngiti sa mga labi. Yan ang tunay na kaligayahan.

 

Paano nga ba maging masaya kung may mga tao akong nasasaktan?

 

Minsan sa laro nang pag ibig, may isa na kelangan sumuko at magparaya,  kahit gaano nyo kamahal ang isat isa

 

Minsan, , kelangan my isa na mag sakripisyo at mg let go, kahit gaano ka sakit.

 

How can I hold on to you if I don’t own you?

 

Minsan ang pag-ibig ay katumbas ng pagbibigay at pagpapalaya at pagbitaw sa hindi naman talaga natin pagmamay-ari.

 

Pero nagpapasalamat ako kasi dinala ka nang tadhana sa akin.

 

Siguro para turuan ako nang mga aral at paano labanan ang tukso.

 

At kung sa huli, sakali mang magbiro ulit sa atin ang tadhana, sana umayon na sa atin ang pagkakataon….

 

Sana… Baka Sakali…pwede nang magibig tama ang mali.