Sa aking Pagpanaw

By Anna09 on 31th Jul 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa aking pagpanaw, akda ko ay iiwan,

Inyong alagaan at alalahanin kailanman,

Sinulat ko mula sa aking puso,

Para iwang aral dito sa mundo.

 

Mga kapwa kong manunulat,

Ang ating mga mata ay imulat,

Ito ay sining na kasama ang ating puso at damdamin,

Walang makaka agaw o makaka pantay ng inyong galing.

 

Sa aking pagpanaw, ako'y walang lumbay,

Sapagkat alam kong mga gawa ko'y magkakabuhay,

Aalagaan ni ina at isasama sa kanyang mga obra,

Habang buhay na tatatak sa kaisipan ng mga nakabasa.

 

Ito'y akda para sa aking mga kapatid,

Hindi ito pamama-alam bagkus may gusto akong ipahatid,

Na tayong lahat ay nakahanap ng tahanan,

Magbibigay liwanag sa landas ng kadiliman,

At may bagong pag-asa sa bawat umagang masisilayan.

 

#AnArtistWillBeForever

Other Poems by Anna09