Ikaw ba ay takot,
Sa mundong puno ng salot,
Bakit hindi mo subukang pumalaot,
At doon hanapin ang tapang na nanunuot,
Na siyang tatapos sa nararamdamang sigalot.
Ikaw ba ay nalulumbay,
Sa binibigay sayo ng buhay,
Bakit hindi ka lumabas at kumaway,
At tahakin ang daan patungo sa tagumpay,
Na siyang aahon sa'yo sa pagkaratay.
Ikaw ba ay walang lakas,
Nagugulumihanan at parang wala ng bukas,
Bakit hindi ka tumakas at doon ay lumikas,
Sa lugar kung saan puwede kang tumalikwas,
At magsimula ng buhay na magpapasaya sa'yo hanggang wakas.
Ang malungkot na anino sa dilim,
Huwag mong hayaang bigyan ka ng kulimlim,
Palaging isaisip, sa bawat dilim ay may liwanag din,
At "habang may buhay, may pagasa" na darating.