Millenial Apps

By Anna09 on 30th Jul 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Naka "dark mode" man ang "MESSENGER" mo,

Huwag kang mangamba sa puso ko'y maliwanag ka,

Malabo man ang signal sa "VIBER" call mo,

Huwag magalinlangan dahil sa mga mata ko'y malinaw ka.

 

Mabagal man ma send ang "message" mo sa "WHATSAPP",

Huwag kang magalala palaging mabilis ang tibok ng puso ko para sa'yo sinta,

Hindi man uso ang "SKYPE",

Mga jokes mo'y pasok naman, sa akin ay nagpapahype.

 

Wala man akong "TANGO" o "IMO",

Mayron naman akong forever "I lovey ou ",

At kahit hindi "updated" ang mga apps mo,

Sa puso ko'y palagi kang naka "fresh setting" dito.

 

At kahit ma "beast mode" ka pa sa "use data to see photos",

Ang pagmamahal ko'y nakawifi pero hindi ko shine "share" sa kapitbahay.

Ganyan kita kamahal,

At ngayong alam mo na,

"Please" naman paload nga

Other Poems by Anna09