Hiwaga ng Pag-ibig

By Anna09 on 30th Jul 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Sa mga oras na ito kung saan nais kong gumawa ng napakatalinghagang tula,

Bakit ni isang letra ay walang nagtutugma,

Sa damdaming pinagtagpo ng tadhana,

Na kahit isang dalubhasay natutulala.

 

Naubos ang mga salita,

Mga damdamiy nawala ng kusa,

Nalito,namangha at hindi makapaniwala,

Sa hiwagang bumungad sa aking mga mata.

 

Maraming kritiko ang lumabas,

Ngunit ni isay walang maglakas,

Na buwagin ang nakasanayan,

Sapagkat puso pa din ang tinitignan.

 

Wala man akong mabuo ngayon,

Pero bukas makalawa may ala alang nakabaon,

Isang hiwagang puso lang ang naparoon,

Dahil may mahikang si pagibig lang ang mayroon.

Other Poems by Anna09