PAYAPANG MUNDO

By Anna09 on 28th Jul 2020

OFWS IN HONG KONG
 Image

Asul na ulap,

Bughaw na alapaap,

Malamig na simoy ng hangin,

Malamlam ang paligid na madilim.

 

Masarap maglaro sa tahimik na mundo,

Masayang tumawa sa kaibigang kasama mo,

Maghawak ng kamay habang tumatakbo ng matulin,

Panahong umuwi bago na dumilim.

 

Sa gabi buwan ang kapiling,

Pamaypay ang ihip ng hangin,

Masarap mangarap sa may hardin,

Hanggang makatulog sa  awiting dala ng damdamin.

 

Ang mundo natin ay payapa,

Diyos ang may likha,

Sa buhay na mayron ka,

Magpasalamat sa tuwina.

#phototaitamreservoir

Other Poems by Anna09