Mask

By ellenmae on 23rd Jul 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Sa panahon ngayon,

Ikaw ay napakahalaga.

Presyo mo'y nakakagulat

Daig mo'y ginto ng lahat.

 

Lahat ay abalang abala,

Paghahanap kung saan saan.

Mabibilhan ng sangkatutak,

Para di maubusan magamit sa hinaharap.

 

Tamang paggamit sa iyo'y napakahalaga,

Ika'y aming proteksiyon sa tuwina,

Para mga sakit sa amin di kumapit.

 

Minsan sa pagmamadali,

Ikaw ay aming mabibitawan.

Sa di sinasadyang pangyayari

Hahanapin kahit saan man.

 

Sa iyong kamahalan,

Ikaw ay aming paka i ingatan,

Iiwasang maiwanan o maihangin sa kalawakan.

 

Ibang mga tao,

sadyang mga walang puso.

Itatapon ka lamang,

Pagkatapos kang pakinabangan.

 

Kapag ika'y marumi na,

Basta ka na lang bibitawan.

Hindi iniisip, halagang iyong taglay.

Iiwanan kang parang wala lang.

 

Kapag ang nabili'y naubos,

Mapapaisip sa nakaraan.

Maling paggamit sa iyo,

Pag aaksayang walang katumbas.

 

July 21, 2020

Lifediary511✍📖

Horizons photochallenge

Poems by Other Authors