Sun Flower

By ellenmae on 22nd Jul 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Ikaw ay ihahambing sa aking simpleng sarili,

Matibay na nakatayong mag isa, nakatingala sa langit,

Humihingi ng biyayang ang araw ay muling sisikat,

Para lumago ng mas masigla at kaayaaya.

 

Sa tuwing ikaw ay napagmamasdan,

Naaalala ang taglay na isang malaya,

Mag isang nabubuhay at kalimitang

Nag iisang bulaklak na ibinibigay.

 

Ang dilaw mong bulaklak

Ay mistulang araw,

Nagbibigay ng sigla,

Pag asa sa ibang mabuhay ng mapayapa.

 

Lingid sa iyong kaalaman,

Kasiyahan sa bawat isa ay ibinibigay.

Ikaw ay katangi tangi,

Maihahambing sa ibang mga bulaklak.

 

Ang iyong dahon at bulaklak,

Maging ang balat ng kahoy ng iyong tangkay at ugat,

Nakakapagbigay ng kaginhawaan

Sa iba't ibang nararamdaman

Gagawing inuming tsaa ninuman.

 

Ang iyong buto maari ding gawing

Masustansiyang pagkain.

Nagbibigay bitamina ,

At lakas sa ating katawan.

 

Tulad ko'y mag isang nakatayo,

Patuloy na nakatingala sa itaas,

Humihiling at umaasang

Kanya sanang pakikinggan.

 

Babangon akong muli sa minsang pagkakadapa,

Patuloy na lalaban para matutong harapin ang bukas,

Ng mas matapang at walang pag aalinlangan,

Aking makamit ang pinaka aasam asam.

 

July 21, 2020

Lifediary511✍📖

Horizons #photochallenge

Poems by Other Authors