Image

Ang pagsapit ng dapithapon,pahimakas ng sandaling panahon.At katulad ng isang pigtal na dahon,gugunitain na lang ang kahapon,at haharap sa bagong ngayon.

 

Aking tatanawin ang paglubog ng araw sa may kanluran.Ang bukas ay walang katiyakan,ngunit ika'y akin pa ding aawitan,sasayawan sa indayog at tugtug ng ating kundiman.

 

Ang bawat buhay ay may yugto,sa pag-ibig na marahuyo,mga damdamin nating iisa ang silakbo.

Tulad ng kandilang may sinisimbolo,nagpag isip isip at aking napagtanto ang halaga mo dito sa aking puso.