Paraluman

By Jay-Mie on 11th Jul 2020

Lensational
Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Kay ganda mong pagmasdan

Animo'y diyosa mula sa kalawakan

Hindi hinog sa pilit

Ang iyong alindog na kaakit akit

 

Ang iyong mga labi

Na di pa man ngumiti

Pakiwari ko'y nangingiliti

Sa aking puso na labis na nabighani

 

Kislap ng iyong mga mata,

Kumukutitap na animo'y mga tala

Nangungusap, na sa kabila ng pighati

Mga luha pilit na kinukubli

 

Malasutlang hibla ng iyong mga buhok

Na sing itim ng kalaliman ng gabi

Bumabalot sa iyong kaisipang di ko marurok

Ano man yaon, Bathala lamang ang makapagsasabi

 

Kilos mong napakayumi

Humahanga at umiibig sayo'y napakarami

Alipin sila ng iyong kagandahan

Sino bang hindi mababaliw, sa tulad mong.... Paraluman

Other Poems by Jay-Mie

11th Jul 2020
Thought Image