MABUTI
ni Ron R. Lacson
Namili
Nagpunta ako minsan kay Mang Akong
Isang mabait na Tsinoy na Magtatahong
‘Pabili nga po ako ng dalawang kilo
May dala na po akong isang plastic na supot
Dito po nyo ilagay nang aking masilo’
Sabi kong may ngiti, sya nama’y nakasimangot
Nagpasalamat
Nagtakal, nagsukat na itong si Mang Akong
Ng mga berdeng tahong na lagi niyang kalong
Iniamba ko ang supot upang kanyan sidlan
Nang bigla siyang nagsabi ‘MUKHA KANG MABUTI’
Aba’y ako’y natuwa, porma ko’y natingnan
Nagpasalamat ako, dahil mukha akong mabuti
Nagtaka
Inulit, nikakas at binigkas muli ni Mang Akong
Ang sinabi niya, pero noo nya ay nagkulay talong
‘Mukha kang mabuti’, ang bigkas niyang pasigaw
Ang tugon ko’y ‘Salamat muli’ na merong pagtataka
Bakit siya paulit-ulit , at para siyang humihiyaw
Lumaki pati mga mata niya, tulad sa isang palaka
Nainis
‘Mukha kang mabuti sabi eh’ ay naku Mang Akong
‘Oo na, oo na, wala kang tigil, para kang gulong'
Naiinis na ako, siya man ay parang asar na rin
Nang dumaan si Ate, at siya’y aking kinaway
Siya naman ay huminto, siya man ay nakapansin
Na tila kami ay nagtatalo, o isa sa amin ay pasaway
Nalinawan
‘Mukha ka mabuti’ bigkas uli ni Mang Akong
Ayan Ate, kita mo, makulit siyang parang talilong
‘Kuya, siya’y may pakiusap, di mo siya na gets, duh
Tungkol sa supot mo, ang kanyang sambit ay:
BUKA KANG MABUTI, para mailagay ang tinda
Supot mo, Ibuka mong mabuti, o sige Kuya, bye
Napahiya
Tapos na ang tula.