Salamin sa Katotohanan #glass


By Lhouievince on 21st Jul 2022

 Image

         SALAMIN SA KATOTOHANAN

                  BY:ANEEHR #GLASS

Marahil kung hindi ko ito nililinisan,

Kahit sinag ni haring araw ay di'ko masisilayan.

Parang sa pag-aabroad ko,kung hindi ko inaaplayan,

Marahil naka-harap parin sa mga problemang hindi kami tinatantanan.

Bundok sa harapan na kay taas tingnan,

Ngunit sa likod nito'y puno nga kabahayan.

Na parang pangarap ko,

Mataas man pero kayang abutin para sa mga anak at sa kanilang kinabukasan.

Salamin sa katotohanan,

Na kung minsan malimit nating napapabayaan,

Kung hindi natin napagsisikapan,

Kahit sanay man tayo sa kahirapan,

Sa puso't isipan,mayroon parin tayong gustong makakamtan.

Kape-kape sa umaga, sa harap nito'y kay ganda pagmasdan,

Nang ako'y napa-upo minsan,

Sa aking kama at minsan sa'king mumunting upuan,

Nakatitig sa bukirin,sa haring araw at kung minsan sa buwan.

Iniisip ang pamilya, pagmamahalan kay ganda pagmasdan,

Ngunit aking napagtanto,

Ako'y nandito sa katotohanan na malayo sa kanila,

Na tanging Dasal ang hawak-hawak at ang pagiging katulong tinatanong sa sarili hanggang kailan nga ba?

#glass