Image
 Image
 Image

Hi I'm Emma Disquitado

 

I was born in very poor family. I'm from San Jose del monte Bulacan. Hindi po ako nakapag tapos ng mataas na paaralan dahil mahirap lang po kami..maagang naulila sa ina sa edad kong 6 yrs old. Hindi pinag aral dahil katwiran ay babae ako at pangbahay lang daw ang babae. Katulong ako sa bukid ng aking tatang. Nagtatanim ng palay maitim ako dahil bilad sa araw sa mag hapon. Minsan pag natatanaw ko ang eroplano sabi ko sa aking sarili. Masasakay din ako doon sa eroplanong un. Nagsikap ako sa buhay para ako meron magandang bukas. Umalis ako sa pagtratrabaho sa bukid at nag trabaho sa textile. Nag aral kahit vocational course.

 

Nakapag asawa at nagkaanak ng 3 babae. Sugarol naoangasawa at tamad pa. At walang pangarap sa buhay. Ako ang nagsikap para mabigyan ng magandang bukas ang aking 3 anak na babae. Naalala ko tatang ko na ang babae hindi dapat pag tapusin ng college at napangasawa ko ay ganoon din pala ang pananaw sa buhay. Na pag babae daw hindi kailangan mag tapos ng pag aaral.. Na kinontra ko ang maling pananaw nilang un. Nag apply ako mag abroad una sa bansang Taiwan bilang caregiver at pinalad na makarating doon. 2yrs contract lamang noon.. Ng matapos ko contract ko doon. Ay nag apply ako dito sa bansang Hongkong.

 

June 14 2000 ng ako ay dumating dito sa Hk. June 19 2000 my agency call me. Emma pack your things you are terminate now.. Sobrang iyak ko kc hindi ko mag lang nahawakan or nakakita ng pera ng Hongkong. So sad talaga.. Lalo at pinabayaan ako ng aking agency. Dis oras ng gabi nasa labas ako ng pintuan ng agency ko na bawal mag stay doon. Pina aalis ako ng security doon. Umiiyak ako.. Mabuti meron isang agency doon na bukas pa. At nakita akong umiiyak. Pinatuloy nya ako sa opisina nya at tinanong ako ano ngyari sa akin. Sabi ko mag 4days pa lang ako dito sa Hongkong at tinerminate ako agad ng aking employer dahil 2 adults couple sila. Hindi marunong mag English sila. Ako naman hindi marunong mag salita ng language nila.

 

Nakiusap ako sa may ari ng agency na kung maari patulugin ako sa opisina nya.

Kaso hindi daw pupuede dahil close daw nya lahat doon. Ilaw aircon. Pero meron sya kakilala at kaibigan pinay mabait daw at matulungin.. Ni recommend nya ako doon at inihatid pa nya ako doon.

 

Ang work pala nya ay prostitute sa wanchai at isinama nya ako doon para daw meron lalaki ng pipirma sa akin kunwari daw employer ko. Kaso sya pala ay ganoon.

NG naroroon na ako sa loob ng bar. Hindi ko masikmura ang ginagawa nya. Hindi ko kaya un makipag yakapan sa lalaki. Pag meron lumalapit sa akin. Pinagtatabuyan ko.. Hindi ko kaya un. Nag tiis ako ng ginaw sa lamig sa loob ng bar na un sa wanchai. Magdamag ako nakabaluktod sa sulok ng bar. Pag ka umaga umuwi na kami. Sa susunod hindi na ako sumama sa pinay na un.

 

Mabuti meron kasama un pinay sa boarding house na hindi nag wowork sa bar sa wanchai. Isinama nya ako sa Mission Migrante for Pilipino domestic helper. Para humingi ako ng advice paano gagawin ko sa lending ng agency ko na nag paalis sa akin papunta dito sa Hk. 4 days lang ako nag work terminate agad ako. Mabait c Mam. Cynthia Telles sya advicer ko ano dapat kong ikaso at ano gagawin ko para hindi ko na bayaran un lending na worth of 40 thousand pesos. Thanks Mam Cynthia Telles ng Migrante.!

 

Pag ka tapos ko humingi ng advice sa kay Mam Cynthia. Nag punta ako ng simbahan o Church. Humingi ako ng tulong ni God. Nagdasal ako ng taimtim.. Umiiyak ako ng sobra kay Lord Jesus.. Sobra sobra. Dahil nag iisa ako noon c Lord lang kausap ko. Dasal ko Lord please bago matapos visa ko meron na ako employer. At dininig Niya Dasal ko. Yun insik na babae na agency na tumulong sa akin na hanapan ako matutuluyan bagamat hindi good ay good na din dahil sya pa ang tumulong sa akin para magkaroon ng employer. At sa awa at habag ng Diyos sa akin. At answer prayer ako. Dininig nya Dasal ko. Binigyan ako employer na mabait. At hanggang ngayon. My 9 contract ko na sa employer na bigay ni Lord ay sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi nya ako pinabayaan.

 

Naniniwala ako na basta Nagdasal ka ng meron pananampalataya at taimtim ang Dasal mo ay ipagkakaloob ng Diyos ang Dasal natin. Un lending ko sa agency hindi ko na binayaran dahil 4days pa lang ako eh terminate ako. Kaya wala ako binayaran. Thanks God. Thanks Mam Cynthia Telles. Thanks sa Chinese lady agency na tumulong din sa akin. Dahil dito nakatapos lahat 3 kong anak. BSBA. MAJOR MANAGEMENT panganay ko. 2nd daughter ko BSCOMPUTER ENGINEERING  at the youngest is BS NURSING. thanks God. Ngayon lahat sila ay meron ng kanya kanyang pamilya. Na kahit ako ay buhay pa ay pinagmanahan ko na ng lote na nabili ko at apartment. Sa aking 3 anak.

Basta masasabi ko sa mga kababayan ko don't give up! Tiwala lang kay God. Pangarap at Dasal ay matatanggap. God bless us all..