Sa Bawat Pahina....
Sa bawat Pahina Ng aking libro
Nakatala ang mga damdamin at buhay ko
Sinaktan,iniwanan kasama na ang pagyurak Ng walang basehan
Dito mo mararamdaman ang hibla Ng hininga at diwa Kong nasaktan.
Sa bawat panahon na lumipas
Bawat taong dumaan at pinangarap
Lahat sila naging bahagi nito
Lahat sila binuo ang istorya ko.
Mula SA pabalat hanggang sa hulihan
May saysay ang bawat nilalaman
May pintig at pulso na ginabayan
Ng damdaming Kong naging totoo SA kahit Anu pa man.
Ang pagluha ay bahagi Ng buhay ko
Nasaktan man tumayo pa ring buo
Ang pagngiti na sumilay SA labi
Larawan Ng mga bagay at taong sa akin nabatu-balani.
Sa bawat letrang iginuhit ko
Ang luha ko ay pumapatak tagos SA puso
Naramdaman KO ang hangaring mabago
Ang Takbo Ng buhay na nuo'y tago.
Salamat SA madilim at maliwanag na alaala
SA mga bagay na minsan akong naging tanga
Pinagtagpo man kahit Hindi tinadhana
SA aking libro kayo ay kasama Kong nadama..
Nightbutterfly
Jan.27,2023