HUSTISYA

By Ledarose Delima on 26th Sep 2022

Pangyaos
Domestic Workers Corner Hong Kong
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

HUSTISYA

 

Nakakalungkot isipin.

Ang batas sa atin.

Parang mga matang nakapiring.

At tainga na may tabing.

 

Lalo na kung ika'y dukha.

Wala kang pera maitapal sa kanilang mukha.

Hindi mapapaldo ang kanilang bulsa.

Malabong makamit ang tamang hustisya.

 

Sa kahit anong aspeto.

Maralita'y hindi mananalo.

Kahit sa bigayan ng ayuda.

Hindi Ka mabibigyan kung hindi ka kilala.

 

Baka ang akala ninyo, ang madla ay nakalimot na.

Sa pangako ng isang pulitiko, 10 libo kada pamilya.

Hanggang ngayon nakaukit pa sa isip ng madla.

Nakakatawa, ngunit totoo naman hindi ba? 

 

Sa panahon Ng eleksyon.

Mga mahihirap kanilang nililigawan.

Pupuntahan nila ultimo kasuluk- sulukan.

Makamit lang ang boto ng karamihan.

 

Ngunit kapag nasa pwesto na.

Mukhang nakakalimot na sila.

O Baka naman sobrang abala.

Sa pagpaplano kung paano mapupuno kanilang bulsa.

 

Mga pangako at plataporma.

Nawala sa plano nila.

Ang mga mahihirap.

Lalong naghihirap.

 

Nakakalungkot isipin.

Mga susunod na henerasyon sa atin.

Ganitong sistema ang kanilang mamanahin.

Hay nako Diyos ko, bansa ko nawa'y pagpalain.

 

Black angel 🖤

Poems by Other Authors

Other Poems by Ledarose Delima