Yakap Ng Kapalaran

By labradorjuvy073214 on 23rd Sep 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

*****Yakap Ng Kapalaran****

 

Akala'y masaya ang mangibang-bayan

'Di lubos naisip walang kamalayan

Anupa't pumasok aking pinuntahan

Walang pakiwari ang kahihinatnan

 

Nangulila, iyak sa umpisa ng buwan

Ikalawa'y uwi akin ding tinuran

Ikatatlong buwan medyo ayos naman

Yinakap, yinapos aking kapalaran

Minsan ding nalihis sa maling landasin

Nalugmok sa bisyo at maling Gawain

Sa pangungulila aking naranasan

'Yun ba ang solusyon at ang kasagutan

Datapwa't namulat sa 'king kamalayan

 

Bumalik replika sa 'king katauhan

Simple ng babae ngunit lumalaban

Dating balat-kayo huwag pamarisan

Dalamhati't sakit na nararamdaman

 

Hirap man tanggapin ang katotohanan

Walang magagawa buhay ay lumaban

Para sa pamilya at kinabukasan

Sambit ko'y dalangin ito'y pinakinggan

Luwalhating buhay kanyang tinuldukan

 

Lubos na salamat aking

Panginoon Puso'y pagharian magpakailanman

🙏🙏🙏 ✍️✍️✍️

Juvy Labrador aka @ Yvuj nonalab

Horizons International Week 4
Theme:Mental Health