Ikaw parin ang tunay na magmamahal sa sarili mo (Pangyao Magazine feature)

By PANGYAO_Official on 9th Apr 2022

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Ikaw parin ang tunay na magmamahal sa sarili mo

By Aljen Dela Cruz (Horizons Junior Poet)

 

Mga panahon na lumipas at oras na nag wakas. 

bawat tibok ng puso na punong puno ng pangako ay bigla nalang sumuko. 

 

Sarili ay hinanap sa bawat panahong lumipas. 

mga taong umiwas at iniwan mga salitang kanilang binigkas. 

na walang iwanan hanggang sa dulo ng walang hangan. 

 

Ngunit ikaw ay nagising, sa mga tanong na bakit? 

bakit ako iniwan? 

bakit ako sinaktan?

akoy nag mahal lamang ng lubusan. 

 

Panahon ang nagpakita ng iyong tunay na halaga. 

sarili ay mahalin bago ang iba. 

Dahil mula noon hanggang ngaun, 

ikaw at ikaw parin ang tunay na mag mamahal sa sarili mo. 

dahil ang tunay na pagmamahal ay nasa kaibituran ng ating puso. 

Respeto, pagmamahal at pahalagahan ang sarili.

dahil ang taong tunay na magmamahal sayo ay kayang tumbasan kung paano mo mahalin ang sarili mo. 

Huwag kang matakot kung nag-iisa ka, dahil sa mata ng diyos hindi ka nag-iisa. 

bawat pagsubok at sakit na iyong naranasan. 

ay isang aral na dapat mong pahalagahan. 

Dahil mula noon hanggang ngayon ikaw at ikaw parin ang tunay na magmamahal sa sarili mo.