Ang ating buhay ay maihahalintulad
sa isang Kandila.
Nagniningas ang liwanag sa umpisa...
Tulad natin,masigla ,maalab at ma emosyon, mainit, nakaka paso,nakakatukso,nauupos,,nakaka silaw
ang liwanag at dahan dahang kinakain ng kadiliman.
Sumisimbulo sa kagalakan lalo na.sa
araw ng kapanganakan,kasalan,anibersaryo,
at iba.pang mga.masasayang pagdiriwang.
Maliligayang pagbati iyong mapakikinggan!
Minsan ito'y gamit din sa kalungkutan.
Lalo't kung ginugunita ay kamatayan.
Ito rin ay nagsisilbing gabay...
upang makita ang mga bagay sa kadiliman.
Isang gabay para magkaroon ng maliwanag
na pananaw sa buhay ang isang katauhan.
Sa kabuuan...
Ito ang reyalidad...
tayong lahat ay mauupos din
tulad ng isang kandila.