Siya ang Unang nagpatibok ng iyong puso
Siya din ang unang dumurog nito
Sa kanya ikaw rin ay natuto
Na sa nararamdamn mo magpaka totoo
Forever ay hindi man para sa inyo
Tadhana man kayo ay pinaglayo
Madaming taon di nakita ang isat isang anino
Pinagpatuloy ang buhay na magkalayo
Panahon ang sa inyo nagturo
Na malimutan ang heartbreak niyo
Ito rin nagbukas sa inyo ng pinto
Ng bagong relasyon na ngayon meron kayo
Tila ba sa inyo walang nangyari
Sa bawat labi ninyo may mga ngiti
Sa bagong samahan ninyo walang pagkukunyari
Matinong usapan ay wala parati
Isang relasyon na inyong mas iniingatan
At bawat araw ay mas pinapahalagahan
At hindi nanaising malamatan
Ang inyong pagiging magkaibigan