Image

Buong tapang mong nilisan

Bansang iyong kinalakihan

Pamilya mo'y bahaygan iniwan

Upang hanapin magandang kapalaran

Sa isang bayan dayuhan.

 

Sa mga araw at buwan na nagdaan

Pangungulila at pananabik ay pilit kinakalimutan

Pagod atvpuyat ay iyong nilalabanan

Para mabigay sa pamilya ang kanilang pangangailangan

Na tangi mong kaligayahan at kasiyahan.

 

Mjnsan di mo namamalayan

Pagpatak ng mga luha nag uunahan

Wala kang magawa kundi mga ito'y punasan

At sa harap ng salamin, sarili ay pagsasabihan

"Kaya ko yan ok lang yan, para sa mga anak at kanilang kinabukasan."

 

Buhay Ina malayo sa Pamilya.

Other Poems by yolly❤