Image

Siyam na buwan akong nasa iyong sinapupunan.

Alam kong ika'y sobrang nahirapan.

Kaysarap sariwain yaring kabataan,

masasayang ala-ala'y di malilimutan.

 

Nakamulatan iyong katapangan,

masigasig ka ring  nagsumikap maitawid kami sa kahirapan,

kasama si Ama,

ika'y nakipagsabayan upang kami ay mabigyan ng magandang kinabukasan.

 

Di man tayo sobrang malapit sa isa-t isa,

Ikaw ay laging nasa aking ala-ala...

lalo na kapag may sakit at tila katawan ay namimilipit.

 

Panahon ay mabilis na lumipas,

hanggang ako'y sa piling mo ay nawalay.

Di ko ninais malayo sa iyo...

sa akin ito ay isang dilubyo.

 

Sa iyong mga huling sandali...

Ako'y iyong hinahanap hanap...

Sa aking pagbabalik...

isang salubong na napaka pait...

huli na ang lahat...

IKaw ay tuluyang lumisan na

dito sa mundong ibabaw.

 

Di man nasabi mga salitang alam ko na

iyong nais marinig...

"MAHAL KITA INAY!"

Sadyang di ko lang nasambit.

Other Poems by Balotbondoc