Tahanan

By Anna09 on 27th Nov 2020

Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
 Image

Magkakapatid ang aming turingan

May ina na gumagabay sa tahanan

May pagmamahalan at unawaan

Ang aming layunin at tinatahak ay nag-iisang daan.

 

Dito sa aming tahanan, minsan mayro'n ding diskusyunan

Palitan ng kuro-kuro at talastasan

Sa bandang huli ay nananaig ang kabutihan

Para sa lahat ng miyembro at ng buong kapatiran.

 

Hangad kong tumagal pa ang aming samahan

Madami pang batang matulungan

Mga nangangarap na makamit din ang tagumpay

Sa tulong ng aming tahanan at paggabay.

 

Sa larangan ng literatura kami ay nagkakaisa

Itataas ang lahi ng Filipino at sagisag ng bansa

Iwawagayway ang bandila simbolo ng pagkakaisa

Isulat at ilabas lahat ng totoong adhikain para sa kapwa.

 

Panulat ni: Annaliza V. Aquino

📕🖋️Anna09

11-24-2020

Horizons Biography Princess

📷 By Mami Ody Munson

Poems by Other Authors

Other Poems by Anna09