Kami ay magkapatid sa ama
At magkaiba man ang aming mga ina
Kami ay pinagbubuklod sa bahay ng literatura
Magkalayo man kami ng bansa.
Hindi pa man kami nagkikita mula pagkabata
Sa puso ko alam kong may dapat akong ibahagi sa kaniya
Mga aral sa buhay na dapat nadala niya
Para sa ika-uunlad at ika-aangat ng buhay niya.
Isang batang may pangarap
Nagsusumikap para ito ay maabot kasing taas man ng alapaap
Dalangin kong ito ay iyong matupad, isang taon na lang at ikaw na ang lilipad
Patungo sa buhay na bunga ng iyong pagsisikap.
Aming ANGELICA...ikaw ay anghel sa lupa
Pagbuklorin mo sana ang ating pamilya
Para sa ikakatuwa ni ama
Na sa bawat sandali ay inalalayan ka
Para marating ang buhay na maginhawa
Palagi lamang akong andito bilang ate mong nakatatanda.
Panulat ni: Annaliza V. Aquino
🗒🖊anna09
10-24-2020
Horizons Senior Poet