Linyang aking mapatutunayan
Sa pagkakataong ito aking nararanasan
Bawat araw na nagdaraan
Ako ay talagang kinakabahan.
Malapit nang sumapit ang araw ng linggo
Kung saan lalabas ako sa isang entablado
Ito man ay online na sunod sa uso
Ako pa din ay kabado ng todo.
Kaya ako ay naghahandang talaga
Praktis doon, praktis dito ang aking ginagawa
Ang aking mga anak at asawa ay natatawa na nga
Dahil kahit sa palengke ako ay nagsasalitang mag-isa
Sana ay magbunga ng maganda ang aking pagtiya-tiyaga.
Salamat sa pagkakataong ibinigay
Maipakita ang totoong ako, bawal ang maging matamlay
Sa araw na iyon dapat ay maghatid ng kasayahan
Sa lahat ng manonood para tatatak sa kanilang isipan
Sana ito ay aking mapagtagumpayan
Oh!, Amang makapangyarihan ako po ay inyong tulungan.
Panulat: Annaliza V. Aquino
🗒🖊anna09
10-14-2020