Ako ay may tanong na naman sa aking isipan
Nais kong ibahagi sa inyong lahat ang nilalaman
Unang katanungan ay kung bakit nga ba tayo nangibang-bayan?
Para nga ba sa pamilya o sa pansariling kapakinabangan.
Nagpunta ka ba dito para mamasukan?
O para may maipagmayabang o mag reyna-reynahan?
Naisip mo ba ang hirap nang malayo sa tahanan
Tapos gagawa ka lang ng hakbang na ikakasira ng iyong kinabukasan.
Bakit marami akong nakitang napariwara?
Hindi na alam ang tunay na sinadya
Dito sa ibang bayan nang makatungtong na
Parang nakalimot na sa totoong pakay nila.
Iangat ang pamilya hindi ang sarili lamang
Mahalin ang naiwan sa Pilipinas hindi ang bagong nakilala dito sa ilang
Pagtibayin ang relasyon at pagmamahalan, hindi ang inaatupag ang walang kabuluhan.
Mag-impok para sa kinabukasan at huwag waldas ng waldas ng pinaghihirapan.
Sana ay maisip mo din ang tunay mong hangarin kung bakit ka lumayo sa kanilang piling.
Kaibigan, simulan mo sa panalangin at sumama sa mga kaibigang sa kabutihan ka dadalhin.
At huwag na huwag matutukso sa dilim.
Panulat: Annaliza V. Aquino
🗒🖊anna09
10-13-2020