Anim lang na letra
Pero bakit napakahirap sa pang-unawa.
Kapag ito ay nawala
Tuluyan nang mawawasak ang isang pagsasama.
Ibinigay mo na ang lahat
Pagaalaga at pagmamahal pero hindi pa din sapat
Sa iba ay naghanap pa din ng kulang, ano ba yun?
Ipaalam mo at siya mismo ang tutugon.
Napakasakit sa pakiramdam
Kung ang mahal mo ay nagtaksil sa iyo lalo na wala kang alam.
Sasambulat na lang sa'yo isang araw,
Ikaw pala ay pinaglololoko nito, daig pa ang halimaw.
Hindi mo alam saan hahanapin
Ang tiwalang nabawasan.
Napakasakit sa damdamin
Kahit gusto mong ibalik saan ito hahagilapin?
Sabihin niyo naman sa akin.
Para maibsan ang alalahanin.