Kay bilis lumipas ng araw
Pero hindi ko man lang natanaw
Dahil puso ko'y may galak
Habang ikaw ay aking katalak.
Akala ko'y "lunes" pa lang
Yun pala ay "biyernes" na naman
Tumawag ka lang noong "martes"
Pero naalimpungatan na ako noong "miyerkules"
"Huwebes" ay hinanap ko
Ikaw pala ang kachat ko.
Kapag naman "sabado" at "linggo"
Maghapon at magdamag ikaw ang kavideo call ko
Hiwaga nga ba ito?
O sadyang nagmamahalan lang tayo.
Oras oras ay nadarama ka
Nitong puso ko aking sinta
Umaawit at sinisigaw ang pangalan mo
Dahil bawat araw ikaw ang mahal ko.