Nagsimula sa tinginan,
Hanggang sa magkamustahan,
Nagkwentuhan at nagkapalagayan,
Nagbalik sa magandang nakaraan,
At tutungo sa mayabong na kinabukasan.
Nangarap muli,
Bumalik sa dati,
Binuksan ang puso,
Para sa totoong kabiyak nito,
Isang araw ay manghihinayang sila,
Dahil noon ay pinakawalan sila,
Dumating ang araw na nagpasalamat sila dahil pinagtagpo sila ng tadhana.
Patuloy na naglalakbay,
Sa agos ng buhay,
Maalon man o payapa ang dagat,
Sa piling ng bawat isa'y panatag,
Dahil ang puso'y nagagalak,
At nakatagpo ng totoong kabiyak.