Simbolo para sa karamihan
Bagong pag-asa pagkatapos ng ulan
Makukulay na talaarawan
Para sa lumipas na nakaraan.
Pagmasdan ang ganda ng bagong himpapawid
Nakulayan pagkatapos ng malamlam na paligid
Ganyan din ang buhay natin, kaibigan
Sa bawat pagdilim, may kaliwanagan
Sa bawat siphayo, may kagalakan.

Salamat sa iyo, mahal na bahaghari
Ikaw ang nagbibigay tuwa lagi
Sa mga batang may hikbi at sa mga katulad kong inaapi
Tuwing masisilayan ka, nabubuo ang aking bagong pag ngiti.
Bahagharing makulay
Sa akin ay umagapay
Tungo sa tagumpay
Ng bagong umagang sumilay
Huwag mawawalan ng pagasa sa buhay.