Bagong Pag asa

By ellenmae on 17th Aug 2020

Pangyaos
Horizons: home for talented migrant workers in Hong Kong
Migrant Writers of Hong Kong
 Image

Ako ay namangha sa aking mga nabasa,

Akala ko nung una, ang kuwentong buhay ko'y kakaiba.

Malungkot at puno ng problema kumpara sa iba.

Patuloy na umaasa makakamtan ang bagong pag asa.

 

Lahat ng tao magkakaiba ang kwento,

Maaring ako'y malungkot, sila nama'y masaya at kunteto,

Depende na lang paano ayusin ito.

Sa problema na mayroon sila sa mundo.

 

Ating alalahanin, anumang pagsubok sa ating buhay,

Ibinigay ito ng Diyos para tayo'y mas tumibay.

Lumaban sa kalungkutan at hirap sa buhay,

Makakamtan din natin ang tunay na tagumpay.

 

Ako'y napapaisip, isantabi ang mga problema.

Bagong buhay siguro'y dapat harapin na.

Kalimutan ang poot, harapin ang bagong umaga.

Lumapit sa Panginoon ang iyong daan ay itatama.

Kumapit ka lang sa mahal na Ama at magtiwala.

 

Iyong mga ninanais makakamtan ng walang labis,

Ikaw ay bumalik at muling manalig ng buong tamis.

Makikita mo, pakiramdam at buhay ay gagaan,

Tayo'y magtiwala, ang Diyos ituturo ang daan,

Para tayo'y magkaroon ng buhay na walang hanggan.

 

 

 

July 29, 2020

@Lifediary511✍📖