Una sa aking listahan,
Ay ang pag-uwi sa bansang sinilangan,
At makapiling ang aking pamilya sa aming tahanan,
At ng madama kong muli ang aming pagmamahalan.
Pangalawa, ay ang aking pamamasyal sa aking mga kaibigan,
Bubuhayin ulit ang mga alaala ng nakaraan,
Masasayang pinagsamahan at mga tawanan,
At gagawa ulit ng mga bagong pagninilayan.
Napakadami kong plano pagkatapos ng epidemyang ating nararanasan,
Pero bukod tangi ang pagpunta sa simbahan,
Para magpasalamat sa Amang Makapangyarihan,
Dahil sa wakas ang sakuna ay may katapusan.
Salamat at malapit na sana ang ating kalayaan,
Para lahat tayo ay mamuhay na gaya ng nakaraan,
Kung saan lahat tayo ay may katahimikan,
At payapang mabubuhay sa sanlibutan.