Udyok ng isip koy muling lumikha
Ng isang maikli at payak na tula
Hango sa larawang bumaha ng luha
Ina, laban pa mga supling umaasa
Noong nilisan nya mahal na tahanan
Baon ay pangarap sa kinabukasan
Mga anak mapag-aral balang araw magtagumpay
At maging matatag sa hamon ng buhay
Haliging naturan noon ay nangako
Aalagaan mga anak sa sumpaan di bibigo
Ano pa't di katagalan ng ikaw ay lumayo
Sa kanlungan ng iba naglaan ng luho
Ina ng tahanan kapag lumalayo
Angkin ang tapang ngunit luha ang ipinapaligo
May kapalaran pang ibay di na magtatagpo
Alin man sa kanila mayrong maglalaho
Kaylangan mamili sa landas na tatahakin
Mabuhay lang sila, impit ng luha sa gabi'y titiisin
Pagsapit ng umaga tila ba dilim pa rin
Gayon pa may kontrata tatapusin.